Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa katayuan ng financial technology o fintech sa Pilipinas.
Malaki ang papel ng digital payment platforms katulad ng mga e-wallets sa pag-transition ng mga Pilipino sa pagtangkilik ng online transactions, lalo na noong marami pang restrictions dahil sa pandemya.
Sa kabila nito, may mga Pilipino pa ring may pangamba sa paggamit ng mga digital payment platforms. Upang maibsan ang isyung ito, inirerekomenda sa isang pag-aaral ng PIDS na paigtingin ‘di lamang ang seguridad ng mga platforms kundi pati ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon na makahihikayat sa paggamit ng mga ito.
Gayundin, dapat na tutukan ng pamahalaan ang pagpapalawak ng access ng mga Pilipino sa fintech tools at kaakibat na information and communication technologies.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Analysis of the Fintech Landscape in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/analysis-of-the-fintech-landscape-in-the-philippines