#PIDSInfoBits DPRM 2022 Edition: Alam mo ba na hindi sapat ang bilang ng mga kama sa mga ospital sa Pilipinas, kumpara sa kinakailangang bilang nito?

Ayon sa Department of Health, kinakailangan ng mga ospital, pribado man o pampubliko, ng 2.7 na kama sa kada 1,000 na tao para matugunan ang inpatient needs. Sa kasalukuyan, mayroon lamang isang kama sa kada 1,000 na tao.

Ito ang dahilan kung bakit mabilis mapuno ang mga ospital sa kasagsagan ng mga krisis pangkalusugan, gaya ng COVID-19 pandemic. Sa mga ospital ng mga karatig-bansang Thailand at Viet Nam, mas mataas ng dalawa at tatlong beses ang bed-to-hospital ratios.

Ang #PIDSInfoBits DPRM 2022 Edition ay halaw sa paparating na pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Close the Gap: Accelerating Post-pandemic Recovery through Social Justice”.

#DPRM2022CloseTheGap
#DPRM2022AcceleratePostPandemicRecoveryThroughSocialJustice
#DPRM2022AlisinAngAgwat
#DPRM2022KatarungangPanlipunan

Main Menu

Secondary Menu