#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na mapa-pribado o pampublikong ospital man sa bansa, suliranin ang stockout o kawalan ng suplay ng mga essential drugs o mahahalagang gamot?
Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, wala pa sa kalahati ng mga ospital sa Pilipinas ang hindi nakararanas ng stockout (46% ay mga pribadong ospital, 31% ay mga local government unit-owned na ospital, at 21% ay mga national hospitals).
Dahil dito, napipilitan ang mga tao na bumili ng mga gamot sa labas ng ospital gamit ang kanilang sariling pera.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Assessment of the Service Capability and Readiness of Philippine Hospitals to Provide High-Quality Health Care