#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na maliit na porsyento lamang ng mga kabahayang Pilipino ang nakakatugon sa kinakailangang intake ng energy, iron, at Vitamin A?
Dagdag pa rito, base sa datos ng Food and Nutrition Research Institute, mas mataas ang intake sa mga mas may kayang pamilya. Isang dahilan ng mababang intake, lalo na para sa mga mahihirap na pamilya, ay ang mataas na presyo ng mga masustansyang pagkain, lalo na ng prutas at gulay.
Alamin ang kaugnayan ng mga nagdaang economic shocks sa pag-konsumo ng mga Pilipino ng pagkain sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Food and Nutrient Intake Response to Food Prices and Government Programs: Implications for the Recent Economic Shocks” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/food-and-nutrient-intake-response-to-food-prices-and-government-programs-implications-for-the-recent-economic-shocks